A Reader's Input on LoadXtreme Current Status
Note: Edited by adding spaces for easy reading
Load Xtreme e-loading business, information, updates, news, events and opportunity. Load Xtreme is a prepaid loading station that sends pin or loads directly to your mobile phone. Load Xtreme is multiple prepaid cards / products loading station that can be done anywhere, any mobile phone and any SIM.
Labels: LoadXtreme Update
Posted by Fleur at 5:30 PM 3 comments
alang illegal na company ang tumatagal o makapag sisimula ulit. Kung bumalik ang LoadXtreme ibig sabihin legal sila at may dahilan. Kung nanloko sila ng tao mas maganda nga na nakabalik sila para may mahahabol kayo kung nanloko man sila. Tulad ng mga napapanood nyo sa XXX o Imbestigador.
Sa pagkakaalam ko kaya sila bumalik ay para ipakita nila sa mga nag invest sa kanilang negosyo na hindi sila tumakbo o nawala. Malaki ang naging epekto ng Money Scam sa kanila last year dahil halos karamihan ng mga leaders ng LoadXtreme ang naging pasimuno ng FrancSwiss at Index. Kung tutuusin, mas maganda pa nga na nandyan ang LoadXtreme at makikita nyo sila kesa sa mga taong nagpapasimuno ng maling NETWORKING at SCAM. Ngayon nasan na ang mga taong ito?
Matapos makakita ng idadamay ay nawawala sila. May mga iba pinatay pa. Nakakalungkot pero ang dahilan ng pagbagsak ng kahit matitinong companies ay mga tao din mismo. Lalo na yung mga nagiging gahaman sa pera at pera na lang ang mahalaga. Sa ngayon maganda ang serbisyo ng LoadXtreme at hindi sila naghanap ng mga networkers bagaman may networking pa rin pero dahil sa pamumuno ng PentaCapital (financial advisor at syndicator ng MRT3, MRT7 at Stradcom ng LTO) may partnership na sila ngayon sa mga banks at malalaking company. At kahit si Bengco pa ang presidente ibig lang sabihin walang itinatagong kabulastugan. Dahil kung meron, hindi nyo na sana makikita o maririnig pa yan. At kung manloloko talaga ang Portal, bakit sila papatulan ng isang company na may reputasyon tulad ng PentaCapital na licensed ng BSP para sa mga negosyong may kinalaman sa financial.
Bago siguro tayo maging biktima ng crab mentality makabubuti muna sigurong gumawa tayo ng patas na pagsisiyasat. Maraming mga nag-fail na tao at negosyo pero ang mga nanatili ang naging kilala at malaki. Si Michael Jordan ay tinanggal sa High School Basketball team bago naging sikat. Si Abraham Lincoln ay natalo ng walong beses sa election at nagkaron nervous breakdown bago naging kagalang-galang na presidente ng USA. Si Walt Disney ay tinanggal sa isang News Company dahil wala daw siyang imagination. Si Charice Pempengco ay hindi nanalo dahil wala daw siyang 'star factor' para sa maraming talent manager pero ngayon ay si Oprah at David Foster na ang endorsers and managers nya. Si Robert Kiyosaki ay maraming beses na bumagsak bago naging US Billionaire.
Mahaba ang listahan ng mga nagtagumpay pero dumaan sa maraming pagkabigo. Dahil kung hindi ka nag-fail o nabigo, siguradong hindi ka magtatagumpay. Isa ako dealer ng LoadXtreme na nag invest sa kanila ng P16,000. Pero mas pinili kong tignan kung papaano sila bumangon kesa maging sanhi ng pagbagsak na katulad ng ginawa ng mga taong nag introduce sa akin sa negosyong ito pero nawala at iniwan ang marami para lang sa MAS MALAKING kita kahit na ILLEGAL.